top of page
Writer's pictureDan Gochuico

IBIL Unit 3

Aralin 10 – Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

  1. Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol

  2. Krus

paring misyonero

  1. tungkuling magpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas

  2. naghandog ng misa ng pasasalamat at nagtayo ng krus pagdaong sa dalampasigan

  3. pinag-aralan ang mga katutubong wika (native language) sa Pilipinas

  4. bininyagan (baptized) ang mga katutubo – sanggol o matanda

  5. mabigat ang parusa sa mga nanumbalik sa katutubong pananampalataya (belief)

reduccion

  1. paglipat ng tirahan ng mga Pilipino sa kabayanan (town)

  2. naging sentro ng bayan ang plaza

  3. natitipon ang mga tao sa pagpapatunog ng kampana

mga katutubong tumangging magpasailalim sa Kristiyanismo

  1. remontados – mga namundok muli

  2. ladrones monteses – magnanakaw sa kabundukan

  3. cimarrones – Cimarron-mailap o marahas (harsh)

  4. tulisanes – bandido (bandits)

  5. Espada (paggamit ng puwersa at lakas-militar)

Miguel Lopez de Legazpi

  1. Nagsimulang magtatag ng pamayanang Espanyol sa Cebu noong ika-27 ng Abril 1565. Nabigo ang Cebuano dahil higit na makabago ang mga sandata (weapons) ng Espanyol.

  2. Sunod nagtayo sa Panay (1959), Masbate, Ticao, Burias, Mindoro, Mamburao, at Albay.

Martin de Goiti

  1. Tinalaga bilang pinuno ng puwersang Espanyol sa Maynila.

  2. Magiliw ang pagtanggap nina Rajah Sulayman at Rajah Matnda sa mga Espanyol sa paniniwalang kapayapaan at pagkakaibigan ang layunin ng mga Espanyol sa Pilipinas.

  3. Napasailalim ang Maynila sa Espanyol noong Mayo 19, 1571

  4. Pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas

  5. Pamahalaang Sentral

Gobernador-Heneral

  1. Kinatawan ng Hari ng Espanya

  2. Kapangyarihan Panghukuman, Pang-Militar, Panrelihiyon

  3. Commander-in-Chief ng Hukbong Sandatahan at Hukbong Pandagat

  4. Pangulo ng Royal Audiencia, o Kataas-taasang Hukuman sa Pilipinas

  5. Vice real-patron (pagtatalaga ng mga tao sa Simbahan)

Consenjo De Las Indias sa Espanya

  1. Kapangyarihang tagapagbatas

  2. Cumplase – hindi pagtupad ng gobernador heneral ng batas na galing sa Espanya

  3. Pamahalaang Lokal

Alkalde Mayor

  1. Namumuno sa napayapang lalawigan

  2. Kapangyarihang tagapagpaganap, panghukuman, at pang militar

Corregidor

  1. Namumuno sa corregimiento (hindi pa napayapang mga military zone)

Lalawigan

Pueblo

  1. Pinamumunuan ng gobernadorcillo na maaaaring Pilipino o Chinese mestizo

Ciudad

  1. pueblong may malaking populasyon

  2. pinamumunuan ng ayuntamiento o konseho na binuo ng 12 regidores o konsehal, isang escribano o kalihim at isang alguacil-mayor o punong constable

  3. alkalde ang pinakamataas na pinuno

Barangay

  1. Pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal.

  2. Pinamumunuan ng cabeza de barangay na naglilikom ng tributo at buwis.

Aralin 11 – Kalagayang Panlipunan (Community State) Noong Panahon ng Kolonyalismo

  1. Pagbabago sa Panahanan

  2. Sapilitang Paglipat ng Tirahan

Reduccion – sapilitang paglipat ng tirahan ng mga Pilipino mula sa kubundukan patungo sa kabayanan.

Ginawa para mas madaling mapangasiwaan ang mga Pilipino at maipalaganap ang Kristiyanismo.

Isinaayos ang mga pamayanan batay sa modelo ng isang lungsod sa Spain.

Pueblo – tawag sa itinayong pamayanan ng mga Espanyol.

Simbahan – sentro ng pueblo

Poblacion – sentro ng munisipalidad

Paligid ng simbahan at kumbento – munisipyo, himpilan ng polisya, hukuman, paaralan, at pamilihang bayan.

  1. Iba’t ibang uri ng Tirahan

Naging konsiderasyon sa pagpapatayo ang lokal na salik tulad ng mainit na klima, malimit na paglindol at pagbagyo at materyales na matatagpuan sa Pilipinas.

Bahay na Bato – naging simbolo ng antas ng pamumuhay ng isang pamilya.

Unang Palapag ay gawa sa Bato na nagsilbing imbakan ng bigas (rice storage) at mga kagamitan sa pagsasaka (farming materials).

Ikalawang palapag ay gawa sa matigas na kahoy na nahahati sa kusina, silid-tulugan, at hapag-kainan.

Ladrilyo o kogon ang gamit sa bubong.

  1. Pagbabago sa Antas sa Lipunan

  2. Mga Antas sa lipunang Pilipino

  3. Espanyol – Pinakamataas na Antas ng lipunan na nahahati sa dalawang pangkat:

Peninsulares – mga Espanyol na isinilang sa Spain.

Creole o Insulares – mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.

  1. Principalia – mga inapo ng mga datu at maharlika, mayayamang hacendero o may ari ng lupa at mga pinuno at dating pinuno ng Pamahalaang lokal. May karapatang bumoto sa halalan, humawak ng tungkulin sa Pamahalaang lokal, at malibre sa polo y servicio.

  2. Inquilino – mga tagapangasiwa ng lupa ng mga panginoong maylupa.

Karaniwang Tao – manggagawa at magbubukid. Hindi maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.

  1. Pagbabago sa Katayuan ng Kababaihan

Hindi na sila ipinahintulutang makilahok sa mga gawaing panlipunan, ekonomiko, at pampolitika.

Tutok lang sila sa gawaing bahay.

Hindi rin nakadadalo sa mga kasiyahan o pagtitipon nang walang bantay.

  1. Pagbabago sa Sistemang Pang-edukasyon.

Pari

  1. Ang nangasiwa (supervise) sa sistema ng edukasyon.

  2. Ay tinatawag rin prayle

Layunin

  1. Turuan ang mga Pilipino na mamuha pamamaraang Kristiyano.

  2. Wikang spanish.

  3. Nagtayo ng kolehiyo .

Kolehiyo para sa mga kalalakihan

  1. Itinuturo ang Wikang Spanish, Greek, at Latin, pilosopiya, agham, at sining.

Paaralang Pamparokya

  1. Itinuturo ang panrelihiyon, Wikang Spanish, pagsusulat, pagbasa, aritmetika, Musika, at sining.

  2. Uri ng paaralan na unang itinatag ng misyonero sa Pilipinas

Kolehiyo para sa mga Kababaihan

  1. Inihanda ang kababaihan sa pag-asawa o sa pagpasok sa kumbento.

  2. Itinuturo dito ang kagandahang asal, Musika, panananhi, at pag-aayos ng tahanan.

Edukasyong bokasyonal

  1. Itinuturo ang agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero, at pagkukulay ng tela.

Aralin 12 – Kalagayanang Ekonomiko ng Pilipinas sa Panahon ng Kolonyalisimo

  1. Mga Patakarang Pangkabuhayan

Sistemang Encomienda – Tumutukoy sa karapatang ibinigay ng hari ng Spain sa manananakop (encomendero) na pamunuanang ang isang teritoryo kasama ang mga mamamayang naninirahan dito.

Encomendero

Pangalagaan ang kaligtasan ng kaniyang nasasakupan laban sa mga kaaway, panatilihin ang kaayusan at kapayapaan at tulungan ang misyonero sa pagtuturo ng Kristiyanismo

  1. Maningil ng tributo o buwis (8 reales o katumbas ng piso edad 19-60)

  2. Samboangan (kalahating reales)

  3. Siningil ng mga taga-Zamboanga

  4. Vinta

  5. Siningil ng mga taga-kanlurang Luzon

  6. Falua

  7. Siningil ng mga taga- Camarines Sur, Cebu, Misamis, at karagatig ng mga lalawigan.

  8. Cedula

  9. Isang Maliit na papel na katumbas ng pag kakakilanlan bilang mamamayan ng isang lalawigan.

  10. Magtala ng lalaki na isasali sa polo y servicio

Poly y Servicio/Polo

  1. Ay ang patakaran ng sapilitang paggawa (impraestruktura, pagtotroso, at paggawa ng galyon)

Sistemang Bandala

  1. Isa pang uri ng pinagkukunan ng kita ng pamamahalan kung saan sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka. Binibigyan sila ng promissory note na kalimitang hindi napapalitan ng halaga nito.

  2. Mga Patakaran sa Agrikultura

  3. Ipinakilala ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang mga bagong uri ng halaman, hayop, at industriya.

  4. Cacao, sitaw, kape, mais, mani, tubo, tabako, trigo

  5. Pag alaga ng baka, kabayo, pato, bibe, tupa, gansa at pabo.

  6. Ang Kalakalang Galyon o Kalakalang Maynila-Acapulco

  7. Pinangasiwaan din ang Spain ang pagkikipagkalakalan sa Pilipinas.

  8. Programang Ekonomiko ni Jose Basco

  9. Real Sociedad Econonomica de Aamigos del Pais

  10. Itinatag noong ika – 6 ng Mayo 1781, binuo ito ng mga negosyante at propesyonal na naglayongpataasin

  11. Monopolyo sa Tabako

  12. Itinatag noong ika – 1 ng Marso 1782, ang Monopolyo sa Tabako

  13. Real Compania de Filipinas

  14. Itinatag ito ni haring Carlos the III noong ika – 10 ng Marso 1785 sa hangaring palakasin at paunlarin ang kalakalan ng Pilipinas at Spain.

  15. Pagbubukas ng mga Daungan

  16. Taong 1834 nang ganap na binuksan ang Daungan ng Maynila sa kalakalang daigdig.

  17. Bunsod nito ay maraming dayuhan tulad ng mga English, French, at German ang nagtayo ng mga bahay – kalakal sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

  18. Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon

  19. Pinasinayaan naman noong ika – 24 ng Nobyembre 1892 ang unang riles sa banasa, ang Ferroacaril de Maynila o Maynila- Dagupan railway. Taon Railway 24 ng Nobyembre 1892 Ferroacaril de Maynila o Maynila- Dagupan railway 1893 La Electracita de Maynila 1894 Binuksan ang Daungan ng Maynila sa kalakalang daigdig

  20. Pagtatag ng mga Bangko

  21. Sa pagpasok ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig, itinayo ang mga banko sa Pilipinas upang mahusay na mapangasiwaan (manage)ang sistema ng pananalapi sa bansa.

Obras Pias

  1. Kauna-unahang institusyon sa pananalapi (money) sa kapuluan (many islands/Philippines).

  2. Dito inilagak (put or invest)angpondo (capital)ng mayayaman para sa simbahan at para sa kawanggawa (helping others).

  3. Ay ang tiket na nagbigay-karapatan sa mga mangangalakal na makilahok sa kalakalang galyon

  4. Confradia – samahang panrelihiyon na namamahala sa Obras Pias

  5. Nagpapahiram ng puhunan na may interes na 20-50 bahagdan (percent).

Monte de Pedad y Caja de Ahorros

  1. Usang savings bank sa Pilipinas na itinatag noong Agosto 2, 1882.

El Banco Espanol Filipino de Isabel II (BPI ngayon)

  1. Unang bangkong Espanyol na para sa Espanyol at Pilipino na itinatag noon 1851

Aralin 13 – Kulturang Pilipino Noong Panahon ng Kolonyalismo

  1. Kulturang ipinakilala ng mga Espanyol

  2. Pananamit at Palamuti

  3. Lalaki – Camisa chino, pantaloon, sombrero, tsinelas, ropilla, at sapatos. Ito ang pumalit sa bahag at kanggan na dating isinusuot ng mga katutubo (native)

  4. Babae – Baro’t saya, kimona, mantilla o itim na balabal, panuelo (malaking panyo) para sa kababaihan

  5. Palamuti – peineta (panggayak na suklay sa buhok) at hikaw

  6. Pagpapangalan

  7. Binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga Pilipino (dela Cruz, delos Reyes, Santiago)

  8. Pangalan ng Santo para sa mga pook, bayan at lalawigan

  9. Musika, Sayaw, at Pagdiriwang

  10. Ipinagbawal ang tradisyonal na Sayaw at Musika ng mga Pilipino

  11. Natutuhan ang pagtugtog ng plauta, biyolin, harpa at piano.

  12. Sumibol ang mga tradisyon sa pabasa, flores de Mayo, santacruzan, panunuluyan, at salubong.

  13. Harana – isang uri ng kundiman o awit ng pagsinta.

  14. Sayaw – tinikling at itik itik sa indayog at tempo ng la jota at pandanggo

  15. Lutuin

Menudo, afritada, relleno, mechado, paella

Hamon, sardinas, longganisa at de-lata.

Kape at tsokolate

Kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain, plato, tasa baso

  1. Panitikan (Literature)

Sinunog ang nasulat na katutubong panitikan at napalitan ng kuwento ni Kristo.

Doctrina Christiana – Unang nalimbag (translate) sa Pilipino – aklat ng mga dasal

Ladino – tagapagsalin na Pilipino na mga unang manunulat sa wikang Espanyol.

Ipinakilala ang dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at santa, mga awit.

Dula – senakulo, komedya o moro-moro.

  1. Sining (Arts)

  2. Naging limitado sa temang panrelihiyon ang mga likhang pinta at eskultura

  3. Kalimitang ipininta at inukit ang wangis (image) ng mga santo at santa, mahahalagang tagpo sa Bibliya.

  4. Arkitektura

Antillean – ginamit sa estruktura ng simbahan, gusaling pampubliko at bahay na bato. Batay sa estilong Byzantine, baroque, gothic at moro.

  1. Wika at Sistema ng Pagsulat

  2. Upang mapadali pagsasalin ng mga aklat ng ilang katutubong wika.

  3. Madali magaral ng Espanyol dahil sa malaking pagkakatulad ng tunog ng wikang Spanish at mga katutubong wika tulad ng Tagalog, Ilocano, at Bisaya.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

The Legend Of The KKK

Chapter 1 Andres Bonifacio just came out from a theatre where he played Bernardo Carpio, and he was feeling very heroic. Andres looked to...

Comments


bottom of page