Masaya ako na hinohomeskul ako nina Tatay at Nanay. Maganda ang homeschool dahil maka-bakasyon ako anumang oras. May araw na nag-aaral lang ako at may araw na nagkikita kami ng aking mga kaibigan para sabay-sabay matuto ng iba’t ibang asignatura. Hindi ako nagmamadali mag-aral. Sa isang araw, anim na oras lang ako nag-aaral. Minsan sa gabi, naglalaro kami ng board games ng aking pamilya.
Sa homeschool, walang bullies at puwede akong magising anong oras ko gusto. Pero gusto ng Nanay ko na gumising ako ng 7:00 para mag-agahan at simulang mag-aaral ng 8:00. Masaya din ang homeschool dahil sina Nanay at Tatay ang nagtuturo sa akin. Puwede rin akong mag-laro at humiga habang binabasahan ako ni Tatay. Basta nakikinig lang ako. Pag hindi ako nakikinig, pinapagalitan ako ni Tatay. Nagagalit naman si Nanay dahil madalas akong tumunganga. Dahil homeschool ako, puwede ako sumama kay Tatay sa business trip niya at pumunta ng U.S.A. ng matagal.
Enjoy na enjoy ako mag-homeskul. Sana ihomeskul ako hanggang college.
Comments